Napakarami at napakagagandang practical lessons ang i-shinare ni Pastor Ed Lapiz on how to survive bereavement. Pero sa post na to, gusto ko lang i-highlight ang isang napakagandang point o lesson para sakin. Dahil very recent (as of the time of this post) itong nangyari sakin. Pero going back to the lesson, ito yun:
Be a friend to the bereaved.
Yung namatayan, bigyan natin ng special attention. Hindi lang during the lamay and the libing. Ang tunay na sakit ng kamatayan ay dumadating pagkalibing. Pag wala na yung mga ilaw, wala na yung mga tao. Dun nararamdaman. Dun ka dapat dumalaw (kung close ka sa family). Dun ka dumating. Dun ka mag-aya. Kain tayo. Pasyal tayo. Mas kailangan yon. - Pastor Ed Lapiz
Rejoice with those who rejoice; mourn with those who mourn. - Romans 12:15
Hindi man ako ganito ngayon pero sana maging ganitong kaibigan din ako.
Sa kalagayan ko kasi ngayon, ako yung may kelangan ng ganitong klaseng kaibigan.
Hindi man ganun karami ang kaibigan ko ngayon pero sobra ang pagpapasalamat ko sa Panginoon kasi nakahiram pa rin ako kahit isa.
Isang kaibigang dinamayan ako sa lamay at libing. And most importantly, dinamayan nya ako sa oras na kelangan ko na ng kasamang humanap ng saya.

Itatago ko na lang sya sa code name na, best man.
Sya rin kasi ang best man namen sa kasal.
At sya talaga ang best man ko sa simula pa nung isinuko ko ang buhay ko sa Panginoon.
At just recently nga, nagpunta kami sa Kuala Lumpur, Malaysia. 🇲🇾

Best man talaga sya kasi sinamahan pa rin nya ko kahit wala naman kaming proper plan and itinerary haha!
Basta gusto lang namen parehas mag-food trip. Madali lang kami mag-usap.
And fast forward, we just found ourselves exploring and enjoying KL City!

Hindi man kami laging magkausap at ngayon lang ulit kami nagkaroon ng pagkakataong makapag heart to heart. Nasabi ko na rin sa kanya na marami na akong pinagbago. ❤️
Pero kahit ganun at may lungkot din sa kanya, Jesusness (ang pagiging loving, understanding, forgiving & accepting) pa rin ang nangibabaw. 🙌
Thank you Lord sa gift / blessing / pahiram mong best man! 🙏
You are the best bro! 🤜 🤛