So nakabalik na ko sa Frendz Hostel at wala naman akong balak pumarty dito sa Boracay.
Originally, sa Nov 16 ko talaga plan magmu-muni-muni dito. However, nagkaroon kami ng company party nun kaya ni-resched ko yung flight kasi sayang naman.
Kaya parang advanced birthday celebration pero more on personal spiritual retreat talaga ang goal ko ngayon.
Kaya may time akong ituloy ang kwento.
Going back to March 2024…

So patuloy pa rin ang Online Bible Study ko sa Samabahay Global 10 ng Day by Day Jesus Ministries. Every Saturday to at 1pm via Zoom.
Pero meron din akong personal or face-to-face Bible Study or DGroup sa CCF Davao. Usually Friday evening ang meeting namen pero pa-minsan nagiging Saturday evening.
So sila ang mga nakakausap ko almost weekly.
Ka-sharing ng mga thoughts namen sa bawat lessons.
Kaya every meeting is a blessing.
Thank You, Lord! 🙏