
Ngayon lang ulit sinipag / naisipang magsulat.
Sana talaga araw-araw makapag kwento ako dito.
So wala pang dalawang buwan nung mabalo ako tapos sumakabilang buhay na rin ang Inang (Lola) namen.
Ang kaibahan lang hindi ito naging biglaan.
Inaasahan na rin. Naghihintay na lang.
Kahit mahirap para sakin na pumunta ng personal at makipaglibing kasama ng aking mga kapamilya, umuwi pa rin ako kasi yun ang sa tingin kong loving na gawin.
Basta sabi ko kay Lord, tulungan nya ko sa pag-uwi ko.
Tulungan nya kong harapin ang mga taong noon ko lang ulit makikita sa mahigit isang taong hindi kami nakauwi ng Bulacan.
At salamat sa Diyos, naging masaya ang reunion nameng pamilya.
Salamat sa Diyos, naka-survive naman ako.
Salamat sa Diyos at na-witness ko kung pano magtulungan ang mga Tito at Tita ko, kasama ng mga pinsan ko.
Salamat sa Diyos kasi madaming masasayang alaala o kwento ang mga sinariwa kaya maraming instances na tawa lang kami ng tawa.
Siguradong masaya ang Inang na makita kaming masasaya.
Thank you Lord, nairaos po namen ang libing ng Inang. 🙏