
Ok tuloy natin… habang naghihintay ako sa order ko for lunch.
At bago kami mag-online Bible Study with my Day by Day Fam mamayang 1pm.
Actually hataw ‘tong uwi ko na to kasi after namen sa Mindoro, birthday celebrations naman sa Bulacan ang kasunod.
Kaya dapat makauwi kami ni Kuya Egg ng Bulacan ng March 4 kasi birthday nya nun hehe. Pero umabot naman kami. Nakadaan pa nga kami sa bahay nila bago kami nakauwi samen.
Mahirap.
Kasi first birthday celebration nya na hindi na kasama si Tita Ligaya (Mommy nila).
Pero praise God pa rin sa provisions at nakaraos sa konting salo-salo. Pati na rin sa encouragement and prayers ng kapatid ni Kuya Ramil sa kanila.