
At hindi pa sa Bali natatapos ang once a year bakasyon grande.
Nagpahinga lang sila ng last week ng April 2024 at lumarga naman sila pa-Davao City nung May 2024.
Kaya eto na rin ang sched na gala ko / tour guide / driver for May 2024.
As usual full packed ulit ang itinerary!
Day 1 pa lang nila na ikot na agad namen ang buong downtown Davao City haha!
At syempre mas pina-real time pa nila ang uploads para sa mga bashers na takang taka kung bakit parang iba yung Davao City experience nila hehe.
Kasi aside from magaganda ang mga shots at kay gagaling mag posing ng Avellanosa clan, may mga lugar din kaming tinry na hindi ko pa rin nasubukan dati.
Eto yung Glamping or Glamorous Camping namen sa may Misty Heights sa BuDa.
Kakaibang camping to kasi instead na tents. May isang sobrang laking dome na may swimming pool na may napakagandang overlooking view ng kalikasan at kabundukan.
Pero syempre ang most awaited part is yung sea of clouds pagkagising ng maaga kinabukasan.
Kaya lang mejo ang unti ng clouds nung time namen haha kaya nakaka dissapoint ng konti kasi minsan lang kami dun.
Pero anyhow, we made it sure naman na napuntahan nila ang mga must see and must try na experiences sa Davao City!
First time ko pala mag drive dito papuntang BuDa kaya mejo kinabahan ako nun hehe.
Pati rin pala Camp Sabros sa may kapatagan hehe.
Kaya sobrang thank You Lord for all your provisions, protection and enjoyment during this trip!