Nasa airport ako ngayon at mamayang 10:55 pm pa yung flight ko pabalik ng Davao City. Since dala ko naman yung laptop ko, bigla ko na lang naisip ituloy ang kwento. Medyo matagal na rin kasi yung huli. ๐
Since nag desisyon akong mabuhay muna mag-isa sa Davao City at nag disconnect din ako sa mga taong naging parte ng buhay namen ni Nikki, humingi ako sa Panginoon ng bagong support group – para sa bagong chapter ng buhay ko. ๐
At sa awa ng Diyos, noong February 2024, nakasali ako sa isang all mens DGroup or Discipleship Group ng CCF Davao. Napansin ko na kapag nagku-kwento ako kung anong nangyari sakin sa mga di ko pa kakilala, nakakayanan ko at hindi ako nati-trigger mentally and emotionally. ๐
Kaya thank You Lord! Sobrang blessing para sakin ang DGroup na ‘to! ๐
