
So ayun yung mga paglalakbay nung first half of 2024.
Ganito na lang cguro kasi hindi ko naman na maku-kwento yung mga ordinaryong araw na ako lang mag-isa.
Kami na lang ni Lord ang nakakaalam nun.
At eto nga, June 2024 nung una akong naka-attend ng Bulwagan sa PICC.
Eto yung once a month live service ng Day by Day Jesus Ministries.
Nagsimula kami umattend noon sa online services sa bahay simula nung nagkagulo na sa dati nameng church.
Hanggang sa nagkaroon na rin kami ng online Bible Study.
Kaya kahit ako na lang mag-isa, nagpatuloy pa rin akong pumunta para magbigay puri kay Lord Jesus Christ na syang walang sawang nag-aalaga sakin kasama ng mga kapwa mananampalataya.