Dark Light
Tito Ome & Tita Marina

Dahil maraming naganap nung March 2024.

Wala akong ibang lakad ng April 2024 kundi sumama sa annual leave / travel ng Tito Ome ko.

Ang Ate Lala ko talaga ang joiners at original member ng Group 2.

Kaya lang nag conflict sa moving up ni JJ kaya ako na lang daw ang sumama.

Eh since kelangan ko rin naman lumabas at least once a month to help in my healing journey, kaya sumama ako.

Akala ko rin kasi end na rin ng contract ko sa Unbolt nung time na to kaya pwede talaga ako sumama. Eh na extend bigla yung contract ko haha.

Kaya lang sayang naman libre na almost lahat.

Kelangan ko lang bumili ng plane ticket ko.

Kaya umabsent na lang ako.

No work, no pay naman.

Pero mas maaga ako uuwi sa kanila kasi nga may pasok pa ulit ako at may mga pusang nag-staycation sa bahay. 😹

Going back to the trip….

So first time ko makasama sa travel sila Tito Ome at Tita Marina.

Given pa yung situation ko.

At kami rin bilang Avellanosa family sa paglipat ng Inang sa kabilang buhay.

Kaya pakiramdamaman na lang.

During the trip, hindi naman namen napag-usapan.

Enjoy lang kami.

Kikinig lang ako sa mga namba-bash sa mga posts nila.

Real time kasi para updated ang mga bashers nila.

Kukulit!

Tapos madami na rin daw ang gusto mag punta sa Bali dahil sa mga posts nila.

Pero hindi naman basta basta ganun yun.

Travelling is an art.

And it so happens na expert travellers at photographers sila Tito Ome at Tita Marina.

Kaya naman ganun kaganda ang output ng Bali trip namen!

Sa sobrang lupet, di na nga kinaya nung driver / tour guide namen eh.

Hindi na ako nahatid sa airport kasi nilagnat na haha.

Pero anyways, I’m so grateful and blessed na makasama sa trip na to.

Much needed trip during this season of my life. 🏖️

Thank you Lord for Tito Ome and Tita Marina. 🙏

Leave a Reply
Related Posts

Lake Holon

Pag minsan di ako naka-join sa mga Bible Studies, may naka schedule cguro akong puntahan. Katulad nito. To…

Ugis Peak

Yep so umakyat pa pala ako ng bundok nung June 2024. Na meet ko kasi si Bro Aldrin…

Sa Dulo ng Samal

Hindi talaga ‘to pinakadulo. Pero pakiramdam ko lang kasi wala ng kalsada papunta dito eh. Basta lagpas nato…