
So yep nasimulan ko nung June 2024 at awa naman ng Diyos, nasundan ulit ang pagbibigay ng papuri kay Jesus nung July 2024.
This time, kasama na ang limited edition Taleño Fam!
Kung tama ang pagkaka-alala ko, nosebleed ang topic ni Pastor Ed Lapiz nung time na to haha!
First time pa naman nung iba samen maka attend dito hehe.
Nasa exploration and advance studies mode na ulit si Pastor Ed sa paghahalukay para lalo pa nameng makilala ang Diyos.
Nosebleed nga daw ika nya haha!
Pero yung klase ng pagsasaliksik nya and paraan nya ng pagtuturo ang talagang nagustuhan ko, pati na rin ng mga kapamilya ko.
Napaka praktikal, napaka creative ng kanyang atake para mas lalong maintindihan ng mga tao ang mensahe.
At nung time din na to nilabas ang bagong tag-line na gustong-gusto ko.
Sobrang aligned sa katuruan ni Jesus.
Kaya together, let us make a loving church.
Where Love is the law.
Love na lang! 💕